Ingredients
- 1 Paho
- 4 kutsarang asin
- 2 kutsaritang asin
- 1 kutsaritang tubig
- 2 dahon ng bay
- 1/4 tasang katas ng limon
- 1/2 tasang alak na puti
Palaman:
- 3 kutsarang mantika
- 1 tasang hamon hiniwang maninipis na mahaba
- 1 latang soriso
- 1/2 tasang “pruns” inalisan ng buto at tinadtad
- 1 tasang piniritong patatas hiniwang pakudrado
- 10 pirasong kabuti (hiniwa ang bawa’t isa sa apat)
- 1/3 tasang kastanyas
- 1/2 kutsaritang betsin
- 2 kutsaritang asin
- 1 kutsaritang paminta
- 1/4 librang mantikilya
Instructions
- Timplahan ang pabo ng asin at paminta. pagsamahin ang dahon ng bay, katas ng limon, puting alak at tubig.
- ibabad ang pabo sa tinimplang katas ng limon sa loob ng 3 oras.
Palaman:
- Mag init ng mantika. iprito ang hamon hanggang mamula. isama ang soriso, pruns, patatas, kabuti, kastanyas at betsin. pakuluin sa loob ng isang minuto.
- Timplahan ng asin at paminta. Lagyan ng palaman ang pabo at tahiin ang bukas na bahagi. pahiran ang pabo ng mantikilya at balutin ng “aluminum foil”. ipasok sa pugon sa loob ng 2 oras (350°F).