Ingredients
Pastry:
- 1 tasang sinalang arina (all purpose flour)
- ½ kutsaritang asin
- 1/3 tasang margarina
- 2/3 kutsarang malamig na tubig
Palaman:
- 8 hiwang bacon
- 8 onsang Kraft Velveeta (2 tasang ginadgad na keso)
- 1 kutsarang arina (all purpose flour)
- ½ kutsaritang asin
- 3 itlog, binate
- 1 ¾ tasang gatas
Instructions
Pastry:
- Salain ang arina kaasma ang asin sa isang malalim na lalagyan. Ihalo ang margarina sa pamamagitan ng dalawang kutsilyo o kaya ay sa pastry blender kugn mayroon nito. Wisikan ng malamig na tubig habang hinahalo.
- Masahin at bilugin na parang hugis ng bola at ipaloob sa pagitan ng dalawang wax paper saka pagulungan ng rolling pin o kaya ay boteng bilog.
- Alisin ang paper at isalin sa pastry pan na nakapaitaas ang bahaging may papel na. alisin ang papel na ito at ayusin na ang pastry nang husto sa pan.
- Palamutihan ang dulo ng pastry at magpataan ng ½ pulgada. Itiklop ng pailamlim at diinan ng tinidor ang mga tabi. Tusuk-tusukin ng tinidor ang crust at ipaloob sa pugon na may init 450°F at hayaan sa loob ng mga 7 minuto o hanggang sa mamula. Alisin sa pugon at hinaan ang gatong upang magkaroon lamang ng init na 325°F. Ihanda ang palaman.
Palaman:
- Pirasuhin ang bacon at prituhin ng malutong at durugin ito. Itabi ang dalawang kutsara nito. Ibudbod ang natitira pang dinurog na bacon sa pie shell, isama ang ginadgad na keso. Pagsama-samahin ang iba pang sangkap at isalin sa pie shell.
- Ipaloob sa pugo na may init na 325°F sa loob ng 35 minuto o hanggang sa mabuo na pati ang gitna. Palamigin sa loob nito 10-15 minuto bago ihain. Maihahain sa 6 na katao.