Ingredients
- 24 na tangkay na may dahon ng gabi
- ¼ kilo lutong baboy na hiniwang maliliit
- ½ tasang nilaga at hiniwang maninipis na tuyong isda
- ½ tasang bagoong na alamang
- 2 siling labuyo na dinurog
- 2/3 tasang dahon ng sibuyas na ginayat ng pino
- 1 ½ tasang gata ng niyog (puro)
- 1 ½ tasang gata ng niyog (ikalawang pigaan)
Instructions
- Tilarin ang tangkay ng gabi at putulin ng mga 2 pulgadang haba. Hugasan ang dahon. Paghaluin ang baboy, isda at bagoong, bawang, luya, siling labuyo at pinong sibuyas. Isama ang gata (puro ng niyog.
- Kumuha ng 4 na dahon at lagyan ng tatlong kutsarita ng mga halu-halong sangkap. Balutin at talian. Gawin din ito sa mga iba pang sangkap. Isalansan sa isang kaserola.,
- Isama ang tangkay ng gabi at ihulog ang gata ng niyog (ikalawang pigaan). Paalatan pa nang natitirang bagoong. Samahan pa rin ng luya. Pasubuhin at pagkatapos ay hinaan ang apoy ng 2 oras.