Pansit Luglog

Posted by: maryjoy  /  Category: Pancit Recipes

Ingredient

  • ¼ tasang piniritong bawang na ginayat
  • ½ tasang sibuyas ginayat
  • 1 tasang lutong pusit
  • 1 tasang talaba (luto)
  • 1 tasang hipon (iginisa)
  • 1 tasang baboy (luto at hiniwang pakudrado)\
  • 3 nilagang itlog at ginayat
  • 2 tokwa pinirito at hiniwang pakudrado
  • ½ tasang tinapa hinimay
  • 1 taling kintsay
  • 12 kalamansi
  • 3 tasang palabok
  • 3 taling bihon (pinasubuhan)
  • 1/3 tasang patis

Instruction

  1. Ibabad ang bihon sa tubig sa loob ng 10 minuto. Ihulog sa kumukulong tubig at iluto sa loob ng 3-5 minuto. Patuluin ang tubig at ilagay sa bandihado.

Palabok:

  1. Maggisa ng bawang, sibuyas sa mainit na mantika. Isama ang pusit at hipon. Sabawan ng katas ng hipon. Pakuluin at isama ang tinunaw na harinang hinaluan ng katas ng atsuwete.
  2. Palaputin ito. Ibuhos ito sa lutong bihon at isama ang iba’t ibang sangkap. Ihaing mainit na may kalamansi at patis.

Leave a Reply

Do you have a better Pansit Luglog recipe?