Palitaw o Dila-dila

Posted by: maryjoy  /  Category: Meryenda Recipes

Ingredients

  • 1/2 salop na malagkit
  • niyog
  • mani
  • asukal

Instructions

  1. Magbabad ng hinugasang malagkit magdamag. Gilingin. Ilagay sa katsa at patungan ng mabigat upang maalis ang tubig. Masahin at gumawa ng parang dila. Tuunan ng daliri ang gitna ng minasa o hinulma.
  2. Magpasubo ng tubig. Ihulog dito ang hinulmang malagkit. Paglutang nito ihulog sa palangganang may malamig na tubig.
  3. Palitan ang tubig sa palanggana kapag mainit na. Ihaing may sawsawang dinurog na mani, asukal o panutsa at kinayod na niyog.

Leave a Reply

Do you have a better Palitaw o Dila-dila recipe?