Ingredients
- 1 latang salmon
- Gatas
- ¼ tasang mantikilya
- 2 kutsarang tinadtad na sibuyas
- ¼ tasang arina
- ¼ kutsaritang asin
- ¾ kutsaritang paminta
- 1 kutsarang katas ng hamon
- 1 tasang “corn flakes” na durog
Sarsa:
- ½ kutsaritang paminta
- 1 kutsaritang suka
- 1 kutsaritang tinadtad na sibuyas
- 1 kutsaritang tinadtad na parsley
- 1 tasang mayonesa
- 1 kutsarang tinadtad na oliba
- 2 kutsarang tinadtad na atsara (pickles)
Instructions
- Kunin ang sabaw ng samon sa lata at samahan ng gatas upang maging isa tasa. Magtunaw ng mantikilya sa kawali. Ilagay ang sibuyas at haluin hanggang lumapot. Isama ang harina, asin at paminta.
- Ibuhos dito ang sabaw ng salmon na may katas ng limon. Ihalo ang dinurog na ½ tasang “corn flakes”. Palamigin sa reprihidora.
- Hatiin ito sa walong bahagi at hulmahin na parang balisungsong (cone shaped). Pagulungin ito sa corn flakes. Prituhin hanggang mamula. Ihaing may sarsa.