Manok na may Sotanghon

Posted by: maryjoy  /  Category: Chicken Recipes

Ingredients

  • 3 tasang hinimay na laman ng manok
  • 1/4 kilong sotanghon (ibinabad sa tubig at pinutol-putol)
  • 1 sibuyas tinadtad
  • 2 butil na bawang pinitpit
  • paminta
  • patis
  • 6 na tasang pinaglagaan ng manok
  • 3 kutsarang mantikilya
  • 2 kutsarang dahon ng sibuyas hiniwang pino

Instructions

  1. Igisa ang bawang at sibuyas. Isama ang hinimay na laman ng manok. Isama ang sotanghon at sabaw ng pinaglagaan ng manok.
  2. Pakuluin sa atay-atay na apoy sa loob ng 10 minuto. Timplahan ng patis at paminta. Bago hanguin sa apoy isama ang dahon ng sibuyas. Ihaing mainit.

Leave a Reply

Do you have a better Manok na may Sotanghon recipe?