Ingredients
- ½ tasang singkamas, tadtarin
- 5 pirasong kabuti, ibabad sa tubig at tadtarin
- ½ tasang nilutong hamon, tadtarin
- ¼ na tasang hipon, tadtarin
- ¼ na tasang sibuyas na mura, tadtarin
- 2 kutsarang toyo
- 1 kutsaritang Aji-No-Moto
- ½ kutsaritang asin
- ¼ na kutsaritang paminta
- 1 kutsaritang gawgaw
- 1 itlog
Sabaw:
- 20 pirasong wanton wrapper (tingnan ang resipi)
- 8 tasang sabaw ng nilagang manok
- 20 malalaking hipon, talupan
- 1 pitso ng manok, hiwain
- ¼ na tasang laman ng baboy, hiwain
- 1 kutsarang gawgaw
- 1 puti ng itlog
- 1 kerot, hiwain
- 5 pirasong tuyong kabuti, ibabad sa tubig at hiwain
- 1 punong petsay bagulo
- 1 tasang sitsaro
- Asin
- Paminta
- Betsin
Instructions
- Paghalu-haluin ang lahat ng mga sangkap para sa panlaman. Ibalot sa “Wanton Wrapper”. Itabi sandali. Pakuluin ang sabaw ng nilagang manok. Papataking isa-isa ang hipon.
- Igulong sa gawgaw at puti ng itlog ang manok at baboy para mabalot ang bawa’t piraso. Ilagay sa sabaw.
- Ipagpatuloy ang pagluluto sa katamtamang init. Isama ang mga binalot sa “Wanton Wrapper”. Ipagpatuloy ang pagluluto sa mahinang apoy sa loob ng 5 minuto.
- Ilagay ang kabuti, mga gulay at timplahan ng asin, paminta at betsin. Lutuin pa. kutsarahin sa maliliit na mangkok saka ihain. Lagyan ng isang itlog ang bawa’t ibabaw. Ihain.