Ingredients
- 2 puswelong arina
- 1/2 puswelong langis-pamprito
- 4 na kutsarang tubig na malamig
- 1/2 kutsaritang baking powder
- 1 kutsaritang asin
Palaman:
- 1 puswelong kinudkod na buko
- 2/3 puswelong asukal
- 1 kutsarang harina
- 1/2 puswelong gatas
- 1 kutsarang mantikilya
- 1 pula ng itlog
Instructions
- Salain ang mga sangkap na tuyo. Ihalo ang langis at hiwa-hiwain ng tinidor.
- Unti unting ihalo ang tubig. Ilatag nang manipis sa sangkalan. Hiwain sa maliliit na parisukat
Palaman:
- Pagsama-samahin ang buko, asukal at gatas at lutuin hanggang sa lumapot. Haluin habang nakasalang at isama ang pula ng itlog, mantikilya at harina. Haluing mabuti.
- Bayaang ilang sandali sa kalan at hanguin. Bawa’t 2 piraso ng parisukat na masa ay lagyan ng palamang ito at tipisin ang mga gilid.
- Pahiran ng binating pula ng itlog ang ibabaw at ipasok sa mainit na hurno. Bayaan hanggang sa pumula.