Inihaw na Pata ng Tupa

Posted by: faye  /  Category: Mixed Meat Recipes

Ingredients

  • 5 librang pata ng tupa (lamb)
  • 1 kutsarang asin
  • ½ kutsaritang dinikdik na pamintang itim
  • 1 kutsaritang marjoram
  • 2 butil na bawang, pitpitin
  • 2 kutsarang olive oil

Instructions

  1. Alisin ang balat ng tupa. Hugasan at patuyuin ang laman. Lagyan ng mga malalalim na hiwa ang pata. Gawing kola ang asin, paminta, marjoram, bawang at olive oil. Ikuskos sa pata ng tupa
  2. Iihaw sa pugong may 325°F ang init at patagalin nang mga 30 minuto. Ang paghuhurno para sa bawat libra.
  3. Ugaliin ang pagpapahid ng sarsa. Haluan ng kaunting tubig, kung kailangan. Ihaing may kaamang sarsa (galling sa pinaglutuan ng pata).

Karneng Hinurno

Posted by: faye  /  Category: Mixed Meat Recipes

Ingredients

  • 1 itlog, binate
  • ¾ puswelong gatas
  • 1 kutsaritang betsin
  • 1 ½ asin
  • Paminta
  • 4 na hiwang pan Americano, dinurog
  • ½ hiniwang sibuyas
  • ½ kilong baboy, giniling
  • ½ kilong karne, giniling
  • 4-6 na hiwang bacon

Sarsa:

    Katas ng karne pagkagaling sa hurno,
  • ½ puswelo
  • 2 kutsarang arina
  • 1 puswelong mainit na tubig
  • 1 bouillon cube

Instructions

  1. Pagsama-samahin ang itlog, gatas, betsin, asin, paminta at tinapay. Bayaang 5 minuto. Isunod ang sibuyas, baboy at karme. Haluing mabuti. Ilagay na pahilera sa isang hulmahan ang hiwa ng bacon, mula sa isang tabi hanggang sa kabila. Ditto ilagay ang lahat ng halu-halong sangkap.
  2. Ilagay sa hurnong may init na 350°F sa loob ng isang oras at kalahati. Hanguin at ipatong sa isang ihawan ang karne at ibalik sa hurno sa init na 450°F. Bayaang 10 minuto upang mamula ang bacon.
  3. Ilagay sa isang kaserola ang kumatas sa hurno. Isunod ang arina. Haluin.
  4. Idagdag ang tubig na pinatunawan ng bouillon cube. Bayaan sa apoy hanggang sa maluto

Relyenong Karne

Posted by: faye  /  Category: Mixed Meat Recipes

Ingredients

  • Paminton
  • Asin
  • Karne
  • Bawang
  • Pasas
  • Tubig
  • Paminta
  • Laurel
  • Mantikilya
  • Itlog

Instructions

  1. Gayatin nang manipis ang karne at igisa sa kawali na may mantika, kasama ang bawang, paminta, asin, laurel at paminton. Lagyan ng kaunting mantikilya. Magluto ng itlog saka durugin ang itlog at isama sa pasas.
  2. Pagkatapos ay ilagay sa loob ng karne at saka tahiin upang huwag matapon ang laman., prituhin sa mainit na mantika.

Diniguan

Posted by: faye  /  Category: Pork Recipes

Ingredients

  • ½ librang karneng may taba
  • 3 butil na bawang
  • 2 tasang dugo ng baboy, suka, asin, at dahon ng kintsay

Instructions

  1. Iluluto ang karne sa kaunting tubig hanggang sa magmantika. Pababanguhin ang tatlong butyl na bawang na pinitpit at pag mapula na ay sasabawan ng ilang tasang tubig. Pag malapit nang kumulo ay isasahog ang dugo ng baboy.
  2. Paglambot ng karne ay titimplahan ng asin, lalagyan ng suka at mga dahon ng kintsay. Palambot ng karne ay alisin na sa apoy at luto na.

Pato Tim

Posted by: faye  /  Category: Pigeon Recipes

Ingredients

  • 1 pato
  • 1 kutsaritang asin
  • ½ kutsaritang paminta
  • 1 kutsarang toyo
  • 2 kutsarang langis
  • 10 pirasong tuyong kabuting intsik, ibabad sa tubig
  • 2 tasang tubig

Instructions

  1. Linising mabuti ang pato at punasan. Kuskusing mabuti ng asin at paminta ang labas at loob nito. Sipilyuhin nang halinhinan ng toyo at langis. Lagyan ng panlaman (tignan ang resipi) ang loob ng pato.
  2. Tahiin ang mga bukas na bahagi. Itali sa katawan ang pakpak, leeg at hita. Ilagay sa pan at iihaw nang 4 na pulgada ang layo sa apoy. Baligtarin upang mapapula nang pantay.
  3. Ilipat sa lutuang pagpapalambutan (pressure cooker, kung may roon). Isalin ang tubig kasama ang mga kabuti. Lutuin nang mga 40-45 sa 15 librang pressure.

Pritong Kalapati

Posted by: faye  /  Category: Pigeon Recipes

Ingredients

  • 1 kalapati
  • 1/3 tasang toyo
  • ½ kutsaritang asin
  • 2 kutsaritang asukal
  • ¼ na tasang alak
  • Betsin

Instructions

  1. Ilaga muna sa sabaw ng nilaga ang kalapati. Isabit ang kapati para matuyo ang balat ng kalapati. Iprito sa mainit na mantika.
  2. Ihanda ang sarsa sa pamamagitan ng paghalu-halo ng toyo, asin, asukal, alak at betsin.
  3. Ihaing may kasamang mga hiwa ng kalamansi at asin na may halong tinustang pulbos na paminta.

Camaron Rebosado Con Hamon

Posted by: faye  /  Category: Shrimp Recipes

Ingredients

  • 24 na malalaking hipon, tinalupan at biniyak na pahaba
  • ½ librang hamon
  • 6 na pirasong bacon
  • ½ puswelong arina
  • 2 itlog, binate
  • 5 kutsaritang mantekilya
  • 2 malaking sibuyas, ginayat
  • ½ kutsaritang asin
  • 2 butil na bawang, dinikdik
  • 1 puswelong tubig
  • ¼ puswelong Worcestershire sauce
  • 2 kutsarang asukal
  • 1 kutsarang tomato sauce
  • 4 na kutsaritang gewgaw, tinunaw, sa ½ puswelong tubig

Instructions

  1. Hiwain ang hamon sa laking 2- ½” x 1”. Pag-apatin ang bacon. Ipagitna ang bawat hipon sa isang piraso ng hamon at bacon at ilubog sa binating itlog, arina at tubig. Iprito sa mantika. Itabi. Sa pinagprituhang ito, igisa ang sibuyas.
  2. Ilagay sa isang bandehado at ditto ipatong ang piniritong hipon. Sa isa pang kawali, painitin ang mantika, idagdag ang asin at igisa ang bawang.
  3. Isunod ang tubig, Worcestershire sauce, asukal at tomato sauce. Haluin at bayaang kuluan. Ibuhos dito ang gewgaw na tinunaw sa tubig. Haluin. Ibuhos sa hipon.

Sate Sauce

Posted by: faye  /  Category: Sauce Recipes

Ingredients

  • ½ tasang toyo
  • ½ tasang tubig
  • 1 tasang peanut butter
  • ¼ na tasang katas ng kalamansi
  • 1/3 tasang asukal
  • 1 maanghang na sili, tadtarin
  • 1 kutsaritang bawang
  • 1 kutsarang tinadtad na sibuyas-tagalog
  • ½ kutsaritang dinikdik na luya

Instructions

  • Pagsama-samahin ang toyo, tubig, peanut butter, katas nag kalamansi, asukal at sili. Pakuluin hanggang lumapoot. Itago sandal.
  • Igisa sa langis ang bawang sibuyas at luya. Isalin sa malapot na sarsa. Salinan ng tubig kung kailangan
  • Pakuluin ng 2 minuto. Tikman saka ihaing kasabay ng inihaw.

Inihaw na Baboy

Posted by: faye  /  Category: Pork Recipes

Ingredients

  • 1/12 tasang serbesa
  • 1/3 tasang olive o salad oil
  • 2 kutsarang pulot
  • 1 kutsarang asin
  • ¾ na kutsaritang dinikdik na pamintang buo
  • 4 na klabo
  • 4 na librang baka
  • 2 kutsarang mantikilya
  • 2 sibuyas, hiwain
  • 2 karot, gayatin

Instructions

  1. Pagsama-samahin sa isang mangkok ang serbesa, langis pulot, asin, paminta at klabo. Ilagay ang baka. Ibabad sa loob ng 12-24 na oras o magdamag. Baliktarin
  2. Pahiran ng pinaghalu-halong mga sangkap ang baka. Gawin itong madalas
  3. Patuluin ang baka. Itabi sandal ang pinagbabaran.
  4. Tunawin ang mantikilya sa tatso. Papulahin ditto ang baka, sibuyas at karot.
  5. Ihalo ang 1 ½ tasang pinagbabaran. Takpan
  6. Ipagpatuloy ang pagluluto sa mahinang apoy sa loob ng 2 ½ oras o hanggang lumambot ang baka.
  7. Baliktarin ng isa o dalawang ulit ang baka sa panahon ng pagluluto
  8. Isalin ang natitira pang pinagbabaran kung kakailanganin.

Chicken Gumbo

Posted by: faye  /  Category: Chicken Recipes

Ingredients

  • 1 manok (1.5kg)
  • ¼ na tasang arina
  • 1 ½ kutsaritang asin
  • ¼ na tasang margarina
  • ½ tasang sibuyas, tadtarin
  • 2 ½ tasang tubig
  • 1 tasang kamatis, talupan at tadtarin
  • 1 tasang corn kernels
  • 1 ¼ na tasang tubig
  • 1 kutsaritang asin
  • 1 kutsaritang paminta
  • 1 kutsaritang betsin
  • 1 ½ tasang okra, hiwain

Instructions

  1. Tilarin ang manok ayon sa ibig na laki ng mga hiwa
  2. Patuyuin sa tulong ng humihitit na papel.
  3. Igulong sa pinaghalong arina at asin
  4. Papulahin sa mainit na margarina. Isama ang harina
  5. Hayaang nakasalang sa katamtamang init hanggang lumambot ang manok
  6. Alisin ang manok at ilagay sa pinggan.
  7. Ilagay sa sabaw ang kamatis, mais at tubig. Timplahan ng asin at paminta.
  8. Ipagpatuloy ang pagluluto nang mga 20 minuto
  9. Samantala, ihiwalay sa buto ang laman ng manok. Kudra-kudraduhin.
  10. Ihalo ang manok sa sabaw at mga kasamang sangkap.
  11. Timplahan ng betsin. Isama ang okra. Painiting bigla.
  12. Hangunin at ihain agad.