Ingredients
- 12 santol, karaniwang laki
- 1 puswelong sibuyas tagalog
- Pasas, 1 kahong maliit
- 1 puswelong siling pula o berde o magkakasama, hiniwang manipis at pahaba
- 1 ulo bawang
- 2 puswelong suka
- Kapirasong luya
- Asukal
- Asin
Instructions
- Hugasan ang santol at pakuluan sa kaunting tubig sa loob ng hindi kukulangin sa 10 minuto. Palamigin bago talupan at hiwaing tig-apat na piraso at alisin ang buto. Hiwaing maninipis ang bawang at luya. Isama ang mga ito sa santol. Isunod ang sibuyas, sili at pasas.
- Banlian ang garapong paglalagyan at patuyuing mabuti. Dito iayos ang gagawing atsara. Timplahan ng suka, asin at asukal ayon sa gustong asim at tamis. Pakuluin at ibuhos sa mga sangkap na nakaayos na sa garapon.
- Takpan at bayaang maimbak. Sa ikatlong araw ay maari nang kanin. Masarap ang piniritong isda, baboy o manok.
Leave a Reply
Do you have a better Atsarang Santol recipe?

