sinigang-recipes

Posted by: Tanya  /  Category: Articles

Pili Brownies

Posted by: maryjoy  /  Category: Cookies Recipes

Ingredient

  • 3 kutsrang margarina
  • 1/2 tasang peanut butter
  • 1 tasang asukal
  • 1 buong itlog
  • 1 tasang arina
  • 2 kutsaritang baking powder
  • 1/2 kutsaritang baking soda
  • 1/4 na tasang gatas na ebaporada (haluan ng tubig)
  • 2 tasang pili tadtarin nang pino

Instructions

  1. Gawing krema ang margarina at peanut butter. Ihalo ang asukal nang unti-unti lamang. Ipagpatuloy ang paghahalo hanggang maging kremang-krema. Ihalo ang itlog. Haluing mabuti.
  2. Salaing magkakasama ang arina, baking powder at baking soda. Isama nang halinhinan ang gatas at mga tuyong sangkap sa unang pinaghalu-halong mga sangkap.
  3. Ihalo nang pabalot ang pili. Ilagay sa cookie press o kaya’y papatakin nang kutsa-kutsarita sa cookie sheet (huwag papahiran ng mantika)
  4. Ihurno sa pugong may 350°F ang init at patagalin ng 11 minuto. ang paghuhurno (3 dosenang pili brownie ang lalabsan nito)

Creamy Raisin-Syrup

Posted by: maryjoy  /  Category: Cakes Recipes

Ingredient

  • 1/2 tasang pasas
  • 2 kutsarang mantikilya
  • 1 1/2 kutsaritang cornstarch
  • 1/4 na tasang asukal
  • 1/4 na tasang dark corn syrup
  • whipping cream

Instructions

  1. Pagsama-samahin ang pasas, mantikilya, cornstarch, asukal, corn syrup at whipping cream.
  2. Isalang sa mahinang paoy sa loob ng 3-4 na minuto. (3/4 na tasa ang lalabsan nito). Ihaing kasabay ng raisin brunch pancake.

Bacon Muffins

Posted by: maryjoy  /  Category: Breads Recipes

Ingredients

  • 1 7/8 tasang arina
  • 3 kutsaritang baking powder
  • 1 kutsaritang asin
  • 5 kutsarang nilutong bacon
  • 2 kutsarang asukal
  • 1 tasang gatas
  • 4 na kutsarang bacon fat
  • 2 itlog, batihin nang bahagya

Instructions

  1. Iprito ang bacon. Patuluin ang mantika. Pagsama-samahin ang mga tuyong sangkap. Salain. Isama ang gatas at mantika ng bacon sa mga itlog. Pagkatapos ay isama sa arina.
  2. Ihalo ang nilutong bacon. Haluin hanggang sa mabasa ang arina. Kutsarahin ito sa muffin pan (3/4 lamang ng sisidlan) na pinahiran ng mantikilya.
  3. Ihurno sa pugong may 400°F ang init. Pagkaraan ng 30-35 minuto o mahigit pa, hanguin. (para sa 12 muffin)

Cherry Macaroon Parfaits

Posted by: maryjoy  /  Category: Cakes Recipes

Ingredients

  • 1 paketeng (3 onsa) Royal Cherry Gelatin
  • 1 tasang kumukulong tubig
  • 1 tasang malamig na tubig
  • 1 tasang heavy cream, batihin
  • 1 tasang macaroons, durugin
  • 1/2 tasang milk chocolate candy bars, durugin
  • 6 na kudradong milk chocolate candy bar

Instructions

  1. Tunawin sa kumukulong tubig ang gulaman. Ihalo ang malamig na tubig. Isalin sa kudradong cake pan (9 pulgada). Palamigin hanggang mabuo
  2. Bago ihain, paghalu-haluin ang binating krema, macaroons, dinurog na tsokolateng kendi.
  3. Kudra-kudraduhin ang gulaman. Kutsarahin ang kalahati nito sa 6 na parfait glasses. Lagyan ng kalahating binating krema at mga kasamang sangkap.
  4. Ulitin ang ganitong paghahanda hanggang maubos ang gulaman at krema. Gayakan ng isang kudradong tsokolate ang ibabaw ng bawa’t baso. (para sa 6 na paghahain.)

Eggnog Cake

Posted by: maryjoy  /  Category: Cakes Recipes

Ingredients

  • 1 3/4 na tasang sinalang arina
  • 1 tasang asukal
  • 2 kutsaritang baking powder
  • 1/2 kutsaritang nutmet
  • 1/2 tasang mantikilya
  • 3/4 na tasang gatas
  • 3 itlog
  • 1/2 kutsaritang asin
  • 1/2 kutaritang vanilla

Instructions

  1. Painitin muna ang pugon sa 350°F ang init. Pahiran ng mantika ang dalawang cake pan na may 8 pulgadang laki.
  2. Salain sa mangkok ang asukal, arina, baking powder, asin at nutmet. Ihalo ang mantikilya ta gatas. Batihuin sa loob ng 1 minuto sa electric mixter at 300 istrok kuhng kamay ang gagamitin.
  3. Ihalo ang dalawang buong itlog, 1 puti ng itlog at vanilla. Batihing muli sa loob ng 1 minuto o ng 300 istrok.
  4. Isalin sa mga inihandang pan. Ihurno ng 25-30 minuto o hanggang maluto. Alisin sa pan. Palamigin sa parilya. lagyan ng lemon frosting.

Rodeo Doughnuts

Posted by: maryjoy  /  Category: Breads Recipes

Ingredients

  • 1/4 na tasang mainit-iniut na tubig
  • 1/4 na tasang asukal
  • 1 kutsaritang asin
  • 1/4 na tasang mantikilya
  • 5 kutsaritang active dry yeast
  • 3/4 na tasang mainit-init na tubig
  • 1 itlog
  • 3 1/2 tasang sinalang arina

Instructions

  1. Tunawin ang yeast (lebadura) sa mainit init na tubig. Ihalo ang gatas, asukal, asin, itlog, mantikilya at kalati ng arina. Haluin sa tulong ng kutsara.
  2. Hintaying maging makinis. Isama ang natira pang arina. Haluin ng kamay. Ilipat sa tabla.
  3. Masahin (mga 5 minuto) hanggang maging makinis at maging parang goma. Bilugin sa mangkok na pinahiran ng mantika.
  4. Baligtarin ang masa. Takpan ng basa-basang damit. Hayaang umalsa, mga 1 1/2 oras. Gawing 1/3 pulgada ang kapal ng masa.
  5. Hiwain ang doughnut cutter (3″) na binudburan ng arina. Hayaang umalsa ang masa hanggang maging magaang, mga 30-45 minuto.
  6. Hayaanng walang takip para maging matigas ang panlabas na parte ng masa. Ihulog sa mainit na mainit na mantika ang doughnut. Papulahin saka hanguin at patuluin ang mantika sa papel na humihitit. Ihaing mainit.

Raisin Brunch Pancake

Posted by: maryjoy  /  Category: Cakes Recipes

Ingredients

  • 1/2 tasang pasas (california)
  • 1/2 kutsaritang cinnamon
  • 2 kutsarang asukal
  • 2 itlog
  • 3/4 na tasang buttermilk
  • 1/2 kutsaritang soda
  • 3/4 na tasang sinalang arina
  • 1/2 kutsaritang baking powder
  • 1/2 kutsaritang asin
  • 1 1/2 tasang tinunaw na mantikilya
  • butter cream raisin syrup

Instructions

  1. Ilagay sa mainit na tubig ang pasas para mamaga. Pagkaraan ng 5 minuto, patuluin. Patuyuin sa papel na lumilihitit. Ihalo ang cinnamon na may halong 1 kutsarang asukal.
  2. Ihiwalay ang mga puti ng itlog sa pula. Batihing mabuti ang mga puti ng itlog. Ihalo ang 1 kutsarang asukal at batihing muli.
  3. Batihin mabuti ang mga puti ng itlog. Ihalo ang 1 kutsarang asukal at batihing muli. Batihin din ang mga pula ng itlog hanggang maging krema.
  4. Ihalo ang buttermilk at soda. Isama ang arinang sinalang kasama ang baking powder at asin. Ihalo ang mantikilya. Ihalo nang pabalot ang mga uti ng itlog at pasas na balot ng cinnamon.
  5. Ihurno sa griller na pinahiran ng kaunting mantika. Biluhin at panatilihing mainit samantalang nasa parilya ng pugon. Huwag pagpapatung-patungin. Ihaing may kasamang butter cream raisin syrup.

Holiday Cookies

Posted by: maryjoy  /  Category: Cookies Recipes

Ingredients

  • 3/4 na tasang pulot
  • 3/4 na tasang asukal
  • 3/4 na tasang mantikilya
  • 1 itlog
  • 2 tasang sinalang arina
  • 1 kutsaritang asin
  • 1 kutsaritang cinnamon
  • 1/2 kutsaritang soda
  • 2 tasang hilaw na rolled oats
  • 1 tasang pasas

Instructions

  1. Gawing krema ang pulot, asukal, mantikilya at itlog. Salaing magkakasama ang arina, asin, cinnamon at soda. Ihalo sa krema. Isama rin ang rolled oats at pasas.
  2. Papatakin ito nang kutsa-kutsarita sa cookie sheet na pinahiran ng mantika. Ihurno sa pugong may katamtamang init.
  3. Pagkaraan ng 12 hanggang 14 na minuto o kung mapula na, Hanguin. Palamigin. (4 na dosena ang lalabsan nito).

Dulce Dela Reina

Posted by: maryjoy  /  Category: Breads Recipes

Ingredients

  • 5 egg whites
  • 5 egg yolks
  • 2 small (1.5 ounce) packs ng California seedless raisins
  • 1 cup refined sugar
  • 5 cups evaporated milk
  • 2 tbsps. dried fruits
  • 1/4 cups nuts
  • 1 teaspoon vanilla
  • 1/4 tsp. cream of tartar

Instructions

  1. Pakuluin ang gatas sa mahinang gatong hanggang mangalahati. Lagyan ng kaunting asukal para magkalasa.
  2. Batihing mabuti ang egg yolks at idagdag ang gatas nang unti-unti until it reacdhes paste consistency. Budburan ang mixture ng California Raisins, dried fruits and nuts.
  3. Batihin naman ang egg whites with cream of tartar. Idagdag ang 1cup sugar. Beat until foamy.
  4. Ilagay amg mixture sa isang pyrex dish then pour over the egg white mixture. I-bake sa isang moderate oven until light brown. Chill before serving. Palamutian ng cherries.